Heya! Name's Nica. 18. Asian. Philippines.
Addiction: blue & red hair, bubbles, cherry, underwater shots/waves, mermaids, mallows, coffee, Elmo of SesameStreet, Tweety bird ('cause I thought he's a "she".)
Camera-whore.
Frustrated singer, dancer, model and designer.
Loves photography. Nagger. Selfish. Loves to read books and watch movies. Found the person who'd wake me up in the morning just to hear my groggy voice then come back to sleep. ♥
earth dweller/s
Ang sarap ng brunch ko. Tuyo and skinless longganisa ang ulam. Hihi. At oho, kumakain ako ng tuyo. Favorite ko kaya yu’ng breakfast! :)) Grabeeee. Ang sarap talaga. Sarap ng nasa bahay si Mama. Busog forevs. :))
Source: alotmorethanthat
Source: alotmorethanthat
Source: alotmorethanthat
Source: alotmorethanthat
Ang productive ng day na to. :) Ang dami kong ginawa sa playshop. Hihi. Naramdaman ko yung ngawit tsaka yung pagod. Pero ayos lang. Ang sarap mag-photocopy. HAHA. Tas ang sarap kapag na-aapply mo yung editing skills mo sa OJT pa lang. Oha! Iba. :))
Tas nagpalit ng number pala si Ishang. Pero ganun din. Haha. Kinuha nya din lahat ng contacts nya dun sa isang number eh. Ade malamang, makakatext nya pa din yung mga yun. Aroo. Yamo na nga. Sanayan lang yan dre. :)) Tinatawagan ko ngayon eh. Kadiri. May ringback tone. HAHAHAHAHA. Pero hindi ko alam yung kanta. Pero kadiri talaga. Haha! Tas ayaw pa sagutin. Pag eto tinulugan na naman ako, kukurutin ko to sa bilbil pag nagkita kami. Tsk.
Source: alotmorethanthat
May ikkwento muna ko bago ako pumasok. :))
Kahapon kasi, habang nage-FB ako sa playshop, nakita ni ate Kate yung cover photo ko. Tinanong nya kung mata ko daw ba yun. Sabi ko, “Hindi. Sa girlfriend ko yan. Ganda kasi ng mata nya eh.” Hanggang sa nauwe sa halos lahat sila, tinitignan na yung pictures namin together. Haha. :)) Nakakakilig kasi. :”))) Tapos si ate Tin naman, inusisa kung legal ba kami. Basta yung mga ganung something. Wala lang. Madaldal ako kapag pinapakwento eh about us. Hihi. Nakakakilig kasi magkwento about samin. :”)))
Kaaaaaaaay! Pasok na ko. Hihi. :”)))))))))
Source: alotmorethanthat
Eh yung na-LSS na ko sa My All ni Mariah Carey? Haha. Puta. Muntik ko na gawan ng cover. Ang lakas ng loob ko. HAHAHAHA. :DDD Gagawan ko ba? Parang ang ganda ng boses ko. Amboring nga eh. Haha. Nakakarindi lang. Pang-banyo lang talaga ako. Haha. Pero sobrang paulit-ulit ko na talaga syang kinakanta. Nakaka-unf. Haha! Ayoko na. Ang tagal kasi tumawag ni Ishang eh. Inaantok na ko. Kay. Walang connect.
Source: alotmorethanthat
Source: alotmorethanthat
Habang patagal ng patagal, pakonti ng pakonti yung atensyon na nakukuha ko galing sa kanya. :/ Ano ba naman yung isang text lang di ba? Alam nya namang hinihintay ko yun. Kung hindi pa ko magbubukas ng FB, hindi ko pa malalaman na gising na pala sya. Ang hirap kasi ng nganga. Pag busy sya, nakakalimutan nyang may girlfriend nga pala syang naghihintay ng text nya. Pag nagrerelax naman sya, ganun din. Eh saan ako lulugar? :/
Hindi madali. Pero siguro ganun lang talaga lahat ng relationship. Minsan, sobrang rough. Minsan naman, sobrang smooth. Away dito, away dyan. Lambing dito, lambing dyan. Ang mahalaga naman, yung kaya nyong pagbigyan ang kakulangan ng isa’t isa. Na kaya nyong magtiis. Kasi mahal mo sya.
Source: alotmorethanthat
Yung minsan hindi napapansin ng girlfriend ko na sarcastic na ko. </3 Haha. Ewan ko. Siguro hindi nya lang talaga ma-gets. Ang arte ko kasi. Haha. Dami kong alam.
Source: alotmorethanthat
Pwede ba ko magselos sa bestfriend nya? HAHAHAHA. :DDD De sigi. Intindihin. Mas nauna yun eh. Haha. Yamo na. :)))))))))))))
Ang dami dami kasing katawagan. Hindi na mabilang. Haha. Ang sakit. Chos. Haha. :)))))))))
Sarap mag-deactivate ng FB. Haha. Kaso hindi pwede eh. Daming nangangailangan. De joke. Haha. :))))))))))
Source: alotmorethanthat
May kasalanan ako sa pinag-oOJThan ko. HAHA. :DD Umabsent ako today to celebrate our 7th month. Hihi. Ang bad ko lang. Pero ayos lang yun. Minsan lang to. Hindi na mauulit na 7months na kami nu.
Ade kaninang morning, nagising ako ng quarter to 7am na. Ade feeling ko late na. Kasi ang alam ko 8am ang rehearsals nila eh. Ade ligo ng mabilis. Then tinatawagan ko na sya pero hindi pa din sinasagot. So akala ko naman, may ginagawa lang. Or naliligo na. Nagmamadali. Tas around 8 something, paalis na ko ng bahay. Tas kakatapos pa lang daw nya mag-ayos. Ade nauna na ko sa school. Hinintay ko na lang sya dun. Apaka tagal po niya. Haha. Keme lang. :)) Pag dating nya sa school, kiniss ako sa cheeks. </3 Akala ko kasi sa lips ako ikikiss eh. Haha. Buset. Yamo na. Ade ayun na nga. All day long kaming naglalandian. Hihi. Pagbigyan na. Ngayon na lang ulit kami nagkasama ng matagal eh. Tas kumain kami ng breakfast, lunch and dinner together. Ang sweet nya nu? Sya pa nagsabi nun. :”) Nag-play nga pala sila kanina. Nanuod ako. One reason din kung bat ako umabsent. Comedy yung play. Natawa naman ako. Infairness. Pero nung inulit na nila, hindi na masyadow. Expected na kasi eh. Haha. So ayun. Haha. :)) Nag-away pa kami today. Amp. Kung kelan uwian na. Nakakainis lang. Buset na buset ako pag nag-aaway kami. Parang ang liit na bagay lang kasi. Tas lumalaki lang. Eh nakakabadtrip kaya. :|
Hinatid nya pala ako today. :)) Pero ayoko talaga ng ako hinahatid nya. Pag kasi ganun, sasakay agad ng jeep eh. Pero pag sya ihahatid ko, sempre lalakad pa tas magkkwentuhan tas minsan tatambay muna bago sya sumakay. Basta. Hindi ko ma-explain. Haha. Pero yung totoo? Kinikilig ako ngayong araw. Hihi. Kahit awkward kasi first day ng period ko. Keme lang. Kilig to the bones pa din. Hihi. :)) At dahil dyan, matutulog na ko. Goodnight! :”))))
Source: alotmorethanthat
Take a chance now. You never know the opportunities that lies ahead.
Goodmorning! ♥
Source: alotmorethanthat
Hindi ko alam kung bakit natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang magtaray sa kanya. Hindi ko magawang magalit sa kanya. Hindi ko magawang hindi sya pansinin ng isang buong araw. Siguro kasi alam kong alam namin pareho na kayang-kaya nya umalis na lang bigla. Na pwedeng-pwede sya bumitaw kung kailan nya gusto. Hindi ko alam kung bakit sya, natitiis nyang magalit sakin ng isang buong araw. Nagagawa nyang hindi ako pansinin. Siguro kasi alam nyang hindi naman ako aalis. Na isang lingon nya lang sa likod nya, nakasunod pa din ako sa kanya. Na hindi ko sya magawang iwan. Ang laki ng takot ko na mapagalit sya. Kaya minsan gusto ko na lang murahin yung mga nagpopost na lalaki sa wall ko. O kaya yung mga nakikipag-chat sakin. Kasi kahit sila naman yung nagpost or nagmessage, sakin pa din sya magagalit. Na hindi ko naman maintindihan kung bakit. Kasi una sa lahat, hindi naman ako nageentertain. Tapos iritang-irita pa ko pag tatawag sya tas biglang sasabihin lang, “bye!” Nakakaloko lang. Parang namali lang sya ng pindot. Ang sakit kasi. Buong araw akong nganga kakahintay ng text or tawag nyang hindi naman dumadating. Alam kong maraming nakapalibot na tao sa kanya. Ano ba naman yung isang text lang na, “Tetext kita mamaya. Busy pa kasi. I love you.” Hindi naman mahirap itext yun. Kahit tamad na tamad syang itext ako, siguro naman maikli na yun para isend nya na lang. Naiirita ako. Pero hindi pwedeng ma-irita sa kanya. Baka kasi sabihin nya na naman, “Pwede mo naman akong iwan eh.” At ang sakit sobra pag sinasabi nya yun. Hindi ko alam kung paano i-explain pero masakit para sakin. Ang laki lang ng takot ko. Siguro kasi hindi ako naka-braces. Hindi ako sexy or mapayat man lang. At lalong-lalo nang hindi ako maganda. Hindi din ako mayaman. Hindi ako magaling sa swimming, volleyball o matalino man lang. Hindi ko dinedegrade sarili ko. Kasi alam kong hindi naman talaga. Natatakot ako kasi hanggang ngayon, alam kong hindi pa din ako pasok sa standards nya. At everytime na tinitignan ko yung mga friends nya sa FB, mas natatakot ako. Kasi halos 80% ng mga babae na friends nya dun, pasok sa standards na nabanggit ko kanina. Kaya bitter na bitter ako sa mga babae na may braces eh. Kasi alam kong gandang-ganda sya sa kanila. Kahit naman hindi nya sabihin kahit kanino, alam ko namang yun ang iniisip nya. Aminin na natin yun.
Pucha hindi ko alam kung bakit ko to pinost. Tuhnginuh.
Source: alotmorethanthat
Natatawa naman ako. Haha. Sabi ni Dante, “Hindi ako mabait. Nagbabait-bait-an lang ako.” Sooooo feeling mo naman, feeling ko mabait ka? Duh. Haha. Kailan pa nangyari yun? At kailan ko pa sinabing mabait ka? Feelingero much? Haha. :DD Puro ka kuda eh. Dami mong alam. Basta maka-gatong lang sa galit ni Mama. Haha. Natatawa ko sayo. Alam mo, kung gusto mong mas magalit pa sakin si Mama, wag ganun sabihin mo. Mas kakampihan pa din ako ni Mama kesa sayo. Duh much. Haha. Puta natatawa talaga ako. HAHAHAHAHA. :DDDDD
Source: alotmorethanthat